LDR RELATIONSHIP GOES WRONG
LDR RELATIONSHIP GOES WRONG
Sabi nila ang LDR daw ay para lamang sa mga matatapang, malalakas ang loob, matitibay sa tukso at marunong mag hintay. Oo tama nga kailangan lahat ng yan. Pero pano nga ba kung ang mismong umalis ang nagloko anong magagawa mo? Yung tipong kaya mo naman siyang hintayin pero siya na umalis di nakapag hintay? samantalang lahat ng pangako e nasabi nyo na sa isat isa. Well ganun lang yata talaga pag likas na malandi o makati yung partner mo. Minsan nagagawa ka ng tanga sa pag hihintay habang siya nakakarami na pala. Yung nag hihintay ka ng chat, text o tawag pero may kasama na pala siya. Minsan nga kahit masakit mamahalin at hihintayin mo parin diba? Kasi inlove ka at nagiging tanga sa pag-ibig lahat ng matatalino. Pero wala e magka bilang mundo na kayo. Madaling sabihin para sa iba hanap ka nalang ng iba, Ganda mo bat mo pagtiisan, madaming iba dyan. etc. Pero ang totoo madaling sabihin mahirap gawin. Lalo na kung pinang hahawakan mo pa ang salitang huling sinabi niya "Hintayin moko, Babalik ako". Ayyy minsan talaga maniniwala ka nalang na walang nagtatagal sa LDR RELATIONSHIP.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento